Lakandiwa: Magandang araw sa inyong lahat
Binubuksan ko na itong Balagtasan
Lahat ng naririto ay aking inaanyayahan
Makinig ng mabuti sapagkat ito'y aming pinaghahandaan.
Ang Balagtasang inihanda
Ay ang pagpili ng bawat isa
Kung ang kanilang dapat tataglayin
Mga kalahok ay magtatagisan ng kanilang galing.
Talino: Magandang araw sa inyong lahat!
Mga kabataang may iba't ibang katangian
Ako po'y may angking katalinuhan
At nagpapakita ng totoong kaanyuhan.
Sa magandang paaralan na pinanggalingan ko
Laon ay nagsimula ako
Ngunit sa pagtutula ko
May katalinuhang naiangat ako.
Sipag: Ang sipag sa buhay ng tao ay mahalaga
Lahat ay posible basta't nagagawa
Pagkat sa taong masipag sa buhay
Mga pangarap ay magtatagumpay.
Ganda: Ang ganda ay hindi lang sa pisikal makikita
Maaaring sa panloob din madarama.
Lahat ng bagay ay pawang lilipas
Ngunit ang magandang pag-uugali ay hindi kukupas.
Lakandiwa: Sa kapangyarihang taglay ko
Masaya akong tanggapin kayo
Magsituloy po kayo sa entablado
Ipagpatuloy ninyo ang pagpapatagisan ng talino.
Lunes, Enero 26, 2015
Mumunting Alikabok sa Mata
Marami sa atin ang nangarap na magkaroon ng katuparan ang bawat adhikain at mithiin sa buhay. Kahit na konting problema lamang lamang ay halos wala na tayong ganang gawin ang mga bagay-bagay...
Ang hirap isipin kung paano pa kaya kung darating ang kalunos-lunos na pangyayari sa iyong buhay na talagang inakala mong wala nang pag-asa...
Ang hirap isipin kung paano pa kaya kung darating ang kalunos-lunos na pangyayari sa iyong buhay na talagang inakala mong wala nang pag-asa...
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)